Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kiyapo at kumikilps papuntang hilaga kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, sa silangan ng Northern Luzon (830 kilometro ang layo).

News Image #1

(larawan ng PAGASA)

Ang bilis ng hangin nito ay nasa 45 kilometro kada kilowatt hour malapit sa gitna, at may pagbugsong 55 kilometro kada kilowatt hour, sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Nakataas ang Wind Signal Number 1 sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, silangan at sentrong Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Besao, Sagada), silangan at gitnang Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut), Ilocos Norte, hilagang Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente), hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran), hilagang Quirino (Aglipay, Maddela, Cabarroguis, Saguday, Diffun) at ang hilagang Nueva Vizcaya (Bagabag, Diadi).

Papalakasin ng southwest monsoon o Habagat ang ulan na dala ng bagyong Kiyapo.