Ang mata ng bagyong Nando ay natukoy ng PAGASA sa layong 770 kilometro silangan ng Echague, Isabela kaninang alas 3:00 ng hapon.

News Image #1


May lakas ito ng hanging nasa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 170 kilometro kada oras.

Mabagal itong kumikilos patungong hilagang kanluran sa 10 kilometro kada oras.

News Image #2


Kabilang sa mga apektado ng pag-ulan dahil sa bagyong Nando ay ang sumusunod:

Cagayan Valley, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Ang mga sumusunod na lugar naman ay inuulan dahil sa Habagat:
Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, nalalabing bahagi ng Bicol Region, CALABARZON, at ang Mindanao.

(Mga larawan ng PAGASA)