Tumulong sa pagpatay ng sunog sa AFP Officers Village Inc. (AFPOVAI) sa Barangay Western Bicutan, Taguig City mula sa himpapawid ang 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force (PAF).

News Image #1

(Larawan ng PAF)

Isinagawa nila ang Bambi Bucket Operation sa pamamagitan ng Sokol helicopter kahapon, Hunyo 13, 2026.


(Video ng PAF)

Dalawampung misyon na may dalang 680 litro ng tubig ang isinagawa ng 505th SRG upang matulungan ang mga bumbero sa ibaba na makontrol ang sunog.


(Video ni Fort Bonifacio Barangay Captain Sonny Vertulfo)

Nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Taguig a kontrolado na ang sunog ay saka lamang huminto ang PAF sa kanilang misyon.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at mahigit 200 pamilya ang nawalan ng tahanan.

"The operation demonstrated the Philippine Air Force's continued commitment to providing rapid response and assistance during emergencies in support of affected communities and partner agencies," ang pahayag ng PAF sa kanilang social media page.

Tiniyak ng PAF na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga sakuna.