Pinauwi ng maaga ang mga estudyante ng isang pampublikong high school sa Taguig City makaraang makatanggap ng pagbabanta ng karahasan mula sa hindi pa natutukoy na suspek.
Wala namang naganap na karahasan kung pagbabatayan ang oras na sinabi ng suspek.
Ligtas na nakauwi ang mga estudyante.
Ang mga pagbabanta ng karahasan sa anumang eskwelahan o establisamiyento o kaninuman ay kailangang ireport agad sa pulisya upang ma-trace ang mga gumagawa nito.
Sinabi ng Taguig City Police na may karampatang kaparusahan ang mga nagbabanta ng karahasan.
Ibinigay na ng Taguig.com sa pulisya ang detalye nito.
(Ibinahagi sa Taguig.com ng isang follower)
Banta ng Karahasan sa Pampublikong High School sa Taguig, Ipinadala sa Pamamagitan ng Private Message sa Social Media Page ng Paaralan | Taguig Balita
Language: Switch to English