Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng Bonifacio Global City, Taguig City sa panahon ng 2025 Bar Exams na isasagawa sa
University of the Philippines - BGC Campus
University Parkway, 32nd Avenue at 34th Drive, Fort Bonifacio sa mga sumusunod na araw:
Setyembre 7 (Linggo)
Setyembre 10 (Miyerkules)
Setyembre 14 (Linggo)
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, wala namang isasarang kalsada subalit magkakaroon ng katamtaman hanggang mabigat na daloy ng trapiko sa BGC malapit sa UP mula alas 4:00 ng madaling araw hanggang alas 8:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi sa mga nasabing petsa.
Pinapayuhan ang mga maaaring maapektuhan bg pagbigat ng trapiko sa lugar na humanap ng alternatibong ruta.
Ipinagbabawal naman sa mga nasabing petsa ang paggala at paghimpil sa 32nd Avenue sa mga naturang panahon.
Gayundin, bawal sa panahon ng bar examinations sa paligid ng UP BGC ang mga sumusunod:
* Pagtitipon-tipon
* Parada
* Salubong
* Kasayahan
* Konsyerto
* Karaoke/videoke
* Iba pang maiingay na aktibidad
* Pagtambay
(Mga infographics ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)
Bar Examinations, Isasagawa sa UP BGC sa Setyembre 7, 10 at 14; May Paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig | Taguig Balita
Language: Switch to English
