Nagwagi ang Barangay Santa Ana sa kauna-unahang Drum and Lyre Competition ng Taguig City kaalinsabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Santa Anang Banak.
Ang Barangay Santa Ana x Maw Percussion x Sadle ang itinanghal na kampeon sa kumpetisyon na isinagawa sa patio ng Minor Basilica of St. Anne sa Barangay Santa Ana, Taguig City.
"Ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag at sama-samang pagsisikap. Ang inyong natatanging pagtatanghal ay nagbigay ng karangalan hindi lamang sa inyong grupo kundi sa buong Barangay Sta. Ana," ang pahayag ng Barangay Santa Ana sa kanilang social media page.
Nagwagi naman bilang 2nd runner-up sa Regatta o karera ng mga bangka ang Barangay Santa Ana.
(Mga larawan ng Barangay Santa Ana)
Barangay Santa Ana, Kampeon sa Drum & Lyre Competition ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
