Ipinaalala ng Taguig City Police na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa Taguig City upang matiyak na ligtas ang lahat sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon sa pulisya, katuwang nila ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, Bureau of Fire Protection (BFP), at mga Barangay Officials, sa pagpapatupad ng pagbabawal sa pagbebenta, pamamahagi, pagdadala, pagpapaputok, o pagpapasabog ng anumang firecrackers at pyrotechnic devices sa loob ng Taguig City.
Mayroong ordinansa ang Taguig, City Ordinance No. 87, Series of 2018, at may batas din ang bansa na ipinatutupad, at maaaring magmulta o makulong ang lalabag dito.
Kabilang sa mga bawal na paputok ang mga sumusunod (hindi limitado sa mga ito, maaari ring hulihin ang may dala na iba pang paputok):
𝑾𝒂𝒕𝒖𝒔𝒊, 𝑷𝒊𝒄𝒄𝒐𝒍𝒐, 𝑷𝒍𝒂-𝒑𝒍𝒂, 𝑷𝒐𝒑-𝒖𝒑, 𝑭𝒊𝒗𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒓, 𝑮𝒊𝒂𝒏𝒕 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈, 𝑮𝒊𝒂𝒏𝒕 𝑾𝒉𝒊𝒔𝒕𝒍𝒆 𝑩𝒐𝒎𝒃, 𝑨𝒕𝒐𝒎𝒊𝒄 𝑩𝒐𝒎𝒃, 𝑳𝒂𝒓𝒈𝒆-𝒔𝒊𝒛𝒆 𝑱𝒖𝒅𝒂𝒔 𝑩𝒆𝒍𝒕, 𝑺𝒖𝒑𝒆𝒓 𝑳𝒐𝒍𝒐, 𝑳𝒐𝒍𝒐 𝑻𝒉𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓, 𝑴𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓 𝑹𝒐𝒄𝒌𝒆𝒕𝒔, 𝑷𝒊𝒍𝒍𝒃𝒐𝒙, 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒔𝒊, 𝑩𝒐𝒈𝒂, 𝑲𝒘𝒊𝒕𝒐𝒏, 𝑫𝒂𝒓𝒕 𝑩𝒐𝒎𝒃, 𝑪𝒐𝒌𝒆-𝒊𝒏-𝑪𝒂𝒏, 𝑩𝒊𝒏 𝑳𝒂𝒅𝒆𝒏, 𝑮𝑷𝑯 𝑵𝒖𝒄𝒍𝒆𝒂𝒓, 𝑺𝒖𝒑𝒆𝒓 𝒀𝒐𝒍𝒂𝒏𝒅𝒂, 𝑲𝒊𝒏𝒈 𝑲𝒐𝒏𝒈, at iba pang firecrackers na gumagamit ng kahalintulad o mapanlinlang na pangalan gaya ng mga "Goodbye", "Zaldy Co", "Sarah Discaya", variants.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang:
• Mga firecrackers na walang label o locally made
• Lahat ng overweight at oversized FCPDs
• Lahat ng imported finished firecracker products
• Anumang uri ng paputok na kapareho o katumbas ng mga ipinagbabawal
(Mga larawan ng Taguig City Police)
Bawal ang Paputok sa Taguig City, Ang Paalala ng Taguig City Police | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
