Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Bayabas Street sa Barangay Western Bicutan, Taguig City simula noong Hunyo 8 at magtatagal ng 21 araw.

News Image #1

(Infographic ng Taguig City Government)

Ang daan ay aayusin bilang bahagi ng "Rehabilitation of Road, Bayabas Extension project" ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pansamantalang pinadadaan sa Champaca Street ang mga sasakyan, at may bahagi rin ng Bayabas Street ang pinapadaanan at ginagawang two-way lane.

May mga traffic enforcers ang Pamahalaang Lungspd ng Taguig na aalalay sa mga motorista sa lugar.