Iwas-nakaw at ligtas pang maipa-park ang mga bisikleta sa Taguig City makaraang mailagay ang 40 inverted-U Bike Racks at 8 mga repair stations ng bisikleta sa lungsod.

News Image #1


Nagtulungan ang Department of Transportation, Department of Public Works and Highways at ang pamahalaang lungsod ng Taguig para mailagay ang mga naturang bike racks at bike repair stations na may bubong pa.

May ilalagay pang dagdag na 69 Inverted-U bike racks upang matiyak na may pagpaparadahan ang lahat ng nagbibisikleta sa Taguig.

Kabilang sa mga lalagyan pa nito ay ang mga pasilidad pangkalusugan, parke, plaza, barangay hall at iba pang pampublikong establisamiyento o pag-aari ng Taguig City.


(Larawan mula sa Taguig PIO)