Maaari nang makakuha ng digital copy ng birth, marriage, death certificates at iba pang forms mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng E-Certificate Service.
Inilunsad kahapon, Miyerkules, ng PSA ang kanilang e-certificate service sa pamamagitan ng PSAHelpline.ph.
Ang digital service na ito ay magbibigay ng e-certificate na tulad din ng legal authority ng tradisyonal o nasa papel na certificates na ini-isyu ng PSA.
Bukod sa mga naunang nabanggit na certificates, maaari rin itong maglabas ng "no marriage" at "no death"certificates.
Sinabi ni Undersecretary Claire Dennis Mapa says na ito ay secured document at dapat na tanggapin ng mga kumpanya, eskwelahan at iba pang institusyon na humihingi ng mga naturang certificates.
"It is an exact digital scanned copy of your physical PSA certificate in PDF format, ready to be sent to requesting institutions. Each PDF is securely signed using the Adobe Approved Trust List (AATL). This guarantees the document hasn't been tampered with," ang nakasaad sa website ng PSAHelpline.ph.
Ang mga institusyon naman na tatanggap ng e-certificates na ito ay mabeberipika rin online kung tunay o authentic ang mga naturang certificates sa pamamagitan din ng PSAHelpline.ph.
(Mga larawan ng PSA)
Birth, Marriage at Death Certificates, Maaari nang Makuha ang Digital Copy sa PSAHelpline.ph | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
