Ang bagyong Bising (Danas ang international name) ay patungo na sa hilaga-silangang bahagi ng Taiwan.
Sa kasalukuyan, ang sentro ng mata ng bagyong Bising ay nasa 335 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes, sa labas ng Philippine Area of Responsibility).
Ang pinakamalakas na hanging dala nito ay nasa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugsong 160 kilometro kada oras.
Sa kasalukuyan ang galaw nito ay nasa 15 kilometro kada oras. Ang lapad ng hangin nito ay nakakasakop sa 360 kilometro mula sa gitna.
Aabot naman sa 4.5 metro ang taas ng alon sa karagatan ng Batanes at nasa 4 na metro sa kanluran at hilagang baybayin ng Babuyan Islands.
Aabot naman sa 3 metro ang alon sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte.
Ngayong gabi, posibleng pumasok sa hilaga-kanlurang bahagi ng PAR ang bagyont Bising at lalabas sa hilaga ng PAR bukas, Hulyo 7, ng umaga.
(Ang mga larawan ay mula sa PAGASA)
Bising o Danas, Papasok Ngayong Gabi sa Hilaga Kanlurang Bahagi ng PAR, Lalabas Ulit Bukas ng Umaga | Taguig Balita
Language: Switch to English
