Pinahinto ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng Bridge Cash dahil sa hindi otorisadong pagpapautang ng pera.
Sa isang kautusan na inilabas noong Hunyo 9, 2026, inutusan ng SEC Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) ang Bridge Cash na agad na ihinto ang pagpo-proseso ng mga online lending-related activities nito, at sap ag-operate ng operating ng applications, online lending platforms (OLP), at messaging channels na nasa ilalim ng pangalang Bridge Cash o anumang nakakonekta dito.
Inatasan din ng SEC ang Bridge Cash na ihinto ang mapanlinlang, hindi makatarungan peke at hindi otorisadong pagpapautang nito ng pera, maging ang maling pahayag na sila ay kakabit ng First Digital Finance Corporation, o anumang lehitimong financing o lending company na nakarehistro sa SEC.
Ang kautusan ay ginawa ng SEC makaraang makatanggap ng mga reklamo mula sa mga umutang ng pera sa Bridge Cash dahil ang ibinibigay sa kanilang pera ay sobrang baba kaysa sa orihinal nilang hiniram dahil sa mga hindi sinabing mga bawas o itinagong dagdag-bayarin sa kumpanya.
Ito ay sa harap ng pwersadong pagbabayad agad ng inutang ng mula lima hanggang pitong araw makalipas na makuha ang inutang.
Sa isinagawang imbestigasyon ng SEC, napag-alaman na ang Bridge Cash ay hindi rehistradong korporasyon ng Komisyon. Hindi ito binigyan ng certificate of authority para mapagpahiram ng pera o anumang financial activities.
Hindi nakarehistro ang Bridge Cash bilang Online Lending Platform (OLP) na isang paglabag sa SEC Memorandum Circular (MC) No. 19, Series of 2019, kung saan kinakailangang ang mga financing at lending companies ay ibinubunyag ang lahat ng OLPs na kanilang ino-operate, at lumabag din ito sa SEC MC No. 10, Series of 2021, na nagsusupinde sa operasyon ng mga bagong OLP.
Napag-alaman din ng SEC na ang pamamaraan ng pangongolekta ng utang ng Bridge Cash ay sa pamamagitan ng pananakot at pinapasok at ginagamit ang data ng mga nangutang nang walang paalam.
Bridge Cash, Isang Lending App, Pinahinto ng SEC sa Operasyon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
