Patuloy na nagbubuga ng lava ang Bulkang Mayon.

News Image #1

(Larawan ng DOST-Phivolcs)

Mas dumami pa ang iniluluwang nagliliwanag na tila bolang apoy ang bulkan na tinatawag na Strombolian activity, dahilan ng paglabas ng lava sa bunganga ng bulkan.

Ang lava ay dumadausdos sa Mi-isi at Bonga Gulleys.

Ang mga pagbugang ito ay naganap kagabi, Hulyo 13, 2026.

Nananatili ang Alert Level 3 sa Mayon Volcano at ang anim na kilometrong radius Permanent Danger Zone.