Magsasagawa ng maintenance activities at upgrading ang Meralco sa Cattleya Street, Barangay Rizal, Taguig City sa darating na Linggo, Hulyo 26, 2026, mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

News Image #1


Dahil dito, pansamantalang mawawalan ng kuryente sa naturang araw at oras sa Cattleya Street.

Sinabi ng Meralco na kanilang aayusin ang high side riser ng transformer TLN 019300.

Ang pagsasaayos na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga taga-Barangay Rizal at mas maging mahusay rin ang suplay ng kuryente sa lugar.