Personal na iniabot ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang P100,000 cash gift kay Emilia "Miling" Bernabe Emanuel ng Barangay Pinagsama sa pagdiriwang nito ng ika-100 taong kaarawan.
(Larawan ng Taguig PIO)
Kasama si Konsehal Raul Aquino at Konsehal Edgar Baptista, binigyan ng cash gift si Lola Miling na P100,000 na ibinibigay sa mga Taguigeñong umaabot sa 100 taon at patuloy na ibinibigay sa bawat kaarawan habang sila ay nabubuhay.
Ang iba pang senior citizens ay nabibigyan din nng kaukulang cash gift tuwing kaarawan, base sa kanilang age group.
Ang mga ito ay maaaring makatanggap ng mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang age bracket, batay sa City Ordinance No. 25 series of 2017.
Centenarian sa Barangay Pinagsama, Pinagkalooban ng P100,000 na Cash Gift sa Kanyang Kaarawan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
