Nahuli na ang isang Chinese national na matagal nang wanted sa mga otoridad sa China dahil sa pagre-recruit ng mga Pilipina upang illegal na magtrabaho sa naturang bansa.

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) si Tong Jialong, 35 anyos, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Abril 12, 2024, bago pa ito nakalipad patungong Shanghai, China sa isang Air Asia flight.

News Image #1


Napag-alaman na simula pa noong taong 2018 ay pinaghahanap na ng mga otoridad sa China si Tong dahil sa kasong trafficking at pagre-recruit ng mga kababaihan sa Pilipinas para magtrabaho sa China.

Isang warrant of arrest ang inilabas ng Yongjia Public Security Burau laban kay Tong noong Disyembre 2018 dahil sa kasong trafficking of persons at illegal border crossing.

Napag-alaman na sa pagitan ng Abril hanggang Disyembre 2018, nakipagkutsabahan si Tong sa iba pang mga suspek upang illegal na ibiyahe sa Vietnam ang may 40 Pilipina, at kalaunan ay dinala sa China sa pamamagitan ng illegal na pagtawid sa border ng Vietnam at China.

Ang mga kababaihan ay ginawang sex workers at ang ilan sa kanila ay ginawang domestic helpers.

"Tong's identity prompted a hit in the BI's Interpol derogatory system which showed that he is subject of a red notice for being a fugitive from justice in his country. He was, however, allowed to board his flight after the BI informed the Chinese police about his impending arrival in Shanghai," ayon kay Immigration Chief Norman Tansingco.

Agad namang inaresto si Tong ng mga naghihintay na Chinese authorities sa paliparan ng Shanghai. Nasa kustodiya na ito ngayon ng mga pulis sa China at agad na ikinulong habang hinihintay ang pagdinig sa kaso nito.


(Larawan mula sa Bureau of Immigration)