Sa kabila ng mainit na panahon, umapaw ang kasiyahan sa headquarters ng Philippine Army sa isinagawang CivHR Summer Fun Games sa Headquarters Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City noong Abril 2, 2024.

News Image #1


Ang mga tauhan ng Philippine Army Civilian Human Resource (CivHR) ay nagpaligsahan sa tug-of-war at iba pang pisikal na aktibidad.

News Image #2


Dumalo sa naturang kaganapan si Lt. Gen. Roy M. Galido, Commanding General ng Philippine Army, at hinikayat ang mga lumahok na ibigay ang kanilang buong atensyon sa kalusugan at lalong pagyamanin ang malusog na pinagta-trabahuhan.

News Image #3


Nagbigay rin ng dance number ang ilang mga sibilyang tauhan ng Philippine Army.

News Image #4


(Photos by SSg Cesar Lopez PA and Mr. Joshua Pedregosa, OACPA)