Naghakot ng panalo ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force sa isinagawang 2024 Coast Guard Base Taguig Sportsfest noong Abril 29, 2024.

News Image #1


Champion ang PCG K9 Force sa basketball, badminton sa singles at mixed doubles at sa dance competition.

News Image #2


Nakuha rin ng unit ang unang puwesto sa Masada Challenge, Tug of War, Double Dart, at Dodgeball.

Ikalawang puwesto naman ito Single Dart at Mobile Legend.

Nakakuha ng ikatlong puwesto ang PCG K9 Force sa 4-man relay, at 4th place naman sa volleyball, chess, at table tennis.

Ginawaran ng award bilang isa sa Mythical Five ng basketball si Coast Guard Commander Diomedes Gemini samantalang Most Valuable Player naman sa basketball si Coast Guard ASN July Ducay.

Si Coast Guard Antonio Bregala ang pinangalanang Masada Cup Best Shooter para sa Non-Officers at Overall Masada Cup Shooter.

(Larawan mula sa PCG K9 Force)