Isang online precinct finder o panghanap sa presintong pagbobotohan ang nilikha ng Commission on Elections (Comelec) upang makita ng mga botante ang estado ng kanilang rehistrasyon at maberipika ang precinct number.

News Image #1


Ang online site nito ay sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph/voter_precinct

Kailangang payagan ng isang mag-access sa link ang site para maproseso ang kanilang personal na impormasyon kaugnay ng mandato ng Comelec sa voter registration.

Para sa mga nasa Pilipinas, kailangang i-click ang "Local" na buton at ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat naman ay kailangang i-click ang "Overseas" button.

News Image #2


Kailangang ilagay ang mga sumusunod na impormasyon: first name, middle name, last name, at lugar kung saan nagparehistro. I-click ang "search" button kung saan dadalhin kayo ng site sa inyong "Polling Place" at "Precicnt No." Makikita rin dito kung aktibo ang inyong voter registration o hindi.

Kung sakaling hindi aktibo ang status ng pagboto, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na opisina ng Comelec o mag-email dito.

News Image #3


(Screenshots mula sa Comelec Precinct Finder website)