Pinangunahan ng OIC ng Taguig City Police, Colonel Byron Allatog, ang pagpapatrulya sa PNR Site, Barangay Western Bicutan, Taguig City kamakailan.

News Image #1


Ito ay kaugnay ng ipinatutupad na curfew sa lungsod para sa mga kabataan simula alas 10:00 ng gabi hanggang kinabukasan ng alas 4:00 ng madaling araw.

Nang tumunog ang sirena ng alas 10:00 ng gabi bilang hudyat sa pagsisimula ng curfew, nagtungo ang mga pulis sa mga eskinita at kalsada, at pinauwi ang mga kabataang nasa labas pa ng bahay.

Bukod sa mga kabataang gumagala pa sa kalsada sa oras ng curfew, sinita rin ng mga pulis ang mga kabataang nasa computer shops pa.

Sinita rin ang mga nag-iinuman sa kalye at mga nagpapatugtog ng malakas.


"Taguig City Police continue to conduct regular patrols in all barangays to deter unlawful behavior and strengthen peace and order in the community. These efforts aim to ensure public safety and reinforce discipline across the city," ayon sa Taguig Police.