Isandaan at dalawampu't limang libong fingerlings ng tilapia ang pinakawalan sa Laguna de Bay noong Abril 25, 2024.

News Image #1


Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-437 anibersaryo ng pagkakatatag ng Taguig.

Magkatuwang ang Taguig City Agriculture Office at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Capital Region sa pagpapakawala sa lawa ng mga tilapia fingerlings.

News Image #2


Inaasahang makakatulong ito para dumami ang mahuhuling tilapia ng nga mangingisda sa Laguna de Bay.

Ang programa ay para rin makatulong sa balanse ng ekolohiya sa lawa.

Sinabi ni Taguig Mayor Lani Cayetano na ang probinsyudad ng Taguig ay may humigit kumulang sa 2,000 mangigisda na kumukuha ng kanilang ikabubuhay sa Laguna de Bay.

News Image #3


"Gusto ko pong bigyang diin na sila po ay aking pinangakuan, na aalalayan ko at hindi ako titigil na gumawa ng programa para sa kanilang benepisyo," ayon kay Cayetano.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)