Mahigit dalawang taon makalipas na i-hostage ng Hamas sa Gaza ang mga Israelis, 20 nabubuhay pang hostages ang pinakawalan na ng Hamas at ibinigay sa Red Cross.

News Image #1

(Meta AI image)

Nakabalik sa kanilang pamilya ang mga buhay na hostages.

Ang labi naman ng 28 hostages ay nanatili pa rin sa Gaza subalit isasauli rin sa kanilang pamilya sa ilalim ng kasunduan sa tigil putukan na pinangunahan ng Estados Unidos.

Bahagi ng kasunduan ang pagpapakawala sa 250 bilanggong Palestinian na matagal nang nakakulong sa Israel, at ang pagpalaya rin sa 1, 700 Palestinian detainees mula sa Gaza na ibinilanggo ng Israel kahit walang kaso simula nang atakehin ang Israel ng Hamas noong Oktubre 7, 2023.