Itinalaga ng Malakanyang bilang bagong General Manager ng government-owned People's Television Network (PTV-4) si dating Taguig Mayor at Film Director Lino Cayetano.
(Larawan ng Taguig.com)
Pinalitan ni Cayetano ang acting General Manager ng PTV-4 na si Malou Choa-Fagar na nakilala naman dahil sa pagiging matagal na tagapamahala ng Eat Bulaga sa ilalim ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE Inc.)
Si Cayetano ay direktor at may-ari ng Rein Entertainment.
Naging alkalde rin ng Taguig ang bunso sa magkakapatid na Cayetano noong 2019 hanggang 2022.
Dating Taguig Mayor Lino Cayetano, General Manager na ng PTV-4 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
