Naglabas ng listahan ang Commission on Elections (Comelec)-Taguig kaugnay ng mga botanteng tatanggalin sa listahan ng mga botante.
(Infographic ng Comelec)
Ito ay dahil sa dalawang beses na sa magkasunod na eleksyon na hindi nakaboto ang mga ito.
"This is to inform the concerned registered voters that you will be deactivated / deleted in our List of Voters due to your failure to vote in the last two (2) elections," ang post ng Comelec-Taguig sa kanilang social media page.
Gayunman, maaari pa rin silang muling makasama sa lisrahan ng mga botante kung magtutungo sa Office of the Election Officer - Taguig City na nasa Vista Mall Parking Building, Camella Taguig Road Barangay Tuktukan, Taguig City sa Enero 26 hanggang Mayo 18, 2026.
Dito ay maaaring muling mag-apply para sa reactivation bilang botante.
Nasa QR code sa infographic ang listahan ng mga dineactivate na mga botante ng Taguig.
Deactivated Voters List sa Taguig, Inilabas na; Maaari pa ring Magpa-Reactivate | Taguig Balita
Language: Switch to English
