Trabaho sa pagde-deliver ang naghihintay sa mga kasaluuyang tricycle drivers, motorcycle riders, e-trike operators, drivers at kahit sa mga masipag na maglakad na taga Barangay New Lower Bicutan.
Bukas, Lunes, Hulyo 13, 2026, magsasagawa ng Delivery Riders Job Fair sa New Lower Bicutan Barangay Hall Grounds mula ala 1:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ang Delivery Riders Job Fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng Barangay New Lower Bicutan at Committee on Transportation, sa J&T Express at 3PL Business Solutions.
Magdala lamang ng dalawang balidong ID, barangay clearance, NBI clearance, driver's license at authorization letter mula sa may-ari ng sasakyang kasalukuyang ipinangbabiyahe. Magdala rin ng resume.
Nangangailangan din ng Delivery Food Walkers kaya't maaari ring mag-apply ang mga walang sasakyang minamaneho.
Delivery Riders Job Fair, Isasagawa sa Barangay New Lower Bicutan sa Lunes | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
