Bababa ang presyo ng diesel ng P0.95 kada litro simula ngayong Martes, Abril 23, 2024.

Gayundin ang kerosene na mababawasan ng P 1.10 kada litro.

Tataas naman ang presyo ng gasolina ng P0.55 kada litro simula ngayong Martes.

News Image #1


Ang anunsyo ay ginawa makaraan ang isang linggo na nagpatupad ang mga oil companies ng mataas na pagtalon sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ang diesel ay itinaas ng P0.95, ang kerosene ay P0.85 at ang gasolina ay P0.40.

Sinabi ng Department of Energy na ang presyo ng Dubai crude mula April 8-12, 2024 ay tumaas ng halos $1.20 kada bariles. Ang international price ng gasolina ay tumaas ng may $0.20 kada bariles, ang diesel naman ay $1.50 kada bariles at ang kerosene ay tumaas ng $1.60 kada bariles.

(Larawan mula kay Dek Terante ng Taguig.com)