Halos P4.00 na piso kada litro ang maaaring idagdag sa presyo ng diesel ng mga gasolinahan sa bansa simula bukas, Hulyo 7, 2026.

Ayon sa inilabas na gabay ng Department of Energy, ang diesel ay maaaring itaas mula P1.57 hanggang P3.57. kada litro.

Ang gasolina naman ay maaaring i-rollback ng mula P1.75 subalit maaari ring itaas ng hanggang P0.25 kada litro.

Samantala, ang kerosene ay nasa P1.70 hanggang P3.70 ang maaaring itaas sa presyo kada litro.

News Image #1


Ang liquefied petroleum gas (LPG) naman ay magro-rollback ng P162.99. Nangangahulugan itong ang tinatayang pick-up price na ng LPG ay nasa P987.01 hanggang P1,437.01 ngayong Hulyo, mula sa P1,150 hanggang P1,600 noong Hunyo.

"Ang mga pagbabagong ito ay nakabatay sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, sa gitna ng patuloy na mga kaganapan sa Middle East na nakaaapekto sa global supply at presyo," ang paliwanag ng DOE.