Bawal na ang mga e-tricycles sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila simula ngayong Enero 2, 2025.
(Larawan ng LTO)
Sa ipinalabas na pahayag ng Land Transportation Office (LTO) nakasaad na mahigpit na ipapatupad ang pagbabawal sa mga e-trike sa malalaking highways sa Metro Manila tulad ng sumusunod:
•Epifanio de los Santos Avenue (EDSA)
•C-5 Road
•Roxas Boulevard
•Quirino Avenue hanggang Magallanes - South Luzon Expressway (SLEX)
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na makikipagtulungan sa pagpapatupad na ito ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
"Ang pagpapatupad na ito ay nakabatay sa pangkalahatang konsiderasyon sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga pangunahing lansangang ito ay idinisenyo para sa mas mabilis at mas malalaking sasakyan, at hindi angkop para sa mga e-trike dahil sa bilis ng daloy ng trapiko, dami ng sasakyan, at lawak ng mga lansangan. Ang pagsasabay ng mababagal at magagaan na sasakyan sa ganitong uri ng kalsada ay nagdudulot ng malinaw na panganib sa lahat ng gumagamit ng daan," ayon kay Lacalinao.
Sinabi ni Lacanilao na makikipagtulungan ang LTO sa mga lokal na pamahalaan at mga sektor ng industriya para bumuo ng mga ligtas at angkop na ruta para sa mga e-trike.
Sa ngayon ay kailangang sundin muna ang kautusan ng pagbabawal sa e-trikes sa mga pangunahing lansangan alinsunod sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code at Joint Administrative Order No. 2014-01
Maaaring patawan ng multa at posibleng ma-impound ang e-trike ng mga lalabag sa kautusan.
E-Trikes Bawal na sa Pangunahing Lansangan sa Metro Manila Kabilang ang C5 Simula Enero 2, 2026 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
