Sa buong buwan ng Setyembre, libre ang pagsakay sa electric Love Bus na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang ika-68 kaarawan nitong Sabado, Setyembre 13, 2025 sa Valenzuela City.
(Larawan ng Philippine Information Agency)
Sinabi ni Marcos na ang bagong Love Bus ay makakatulong upang makatipid sa pamasahe at mabawasan din ang polusyon sa daan dahil ito ay electric.
"And this is really a big help for our situation here in Metro Manila where sometimes we have to wait a long time for the bus to arrive. The traffic is very heavy, the speed is very slow. We are bombarded with exhaust from the buses. All of that will be reduced. That's why we are happy," ayon sa Pangulo.
Ang bus na kasya ang 20 taong uupo ay senior at PWD-friendly. Mayroon itong access ramp para sa wheelchairs.
Sa buong Setyembre, mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi, libre sa lahat ng sasakay ang Love Bus na ang biyahe ay Valenzuela Gate Complex (VGC) Terminal patungong DSWD, Batasan Hills Loop, at VGC Terminal hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa darating na Oktubre at sa mga susunod na buwan, libre lamang ang pagsakay ng mga pasahero kapag rush hour o mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.
Gayunman, ang mga PWDs at senior citizens ay libre pa rin kahit anong oras na bumabyahe ang Love Bus. Kailangan lamang na magrehistro sila sa Love Bus mobile app.
Limang mga bus ang tatakbo araw araw. Maaaring makita ang ruta ng bus sa Love Bus mobile app.
Sinabi ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez na ilulunsad din ang Love Bus sa iba pang urban areas sa bansa.
Noong Agosto, inilunsad ang unang Love Bus sa Cebu para ss Visayas at Davao City para sa Mindanao.
Electric Love Bus, Libre sa mga Pasahero sa Buong Setyembre; Rutang Valenzuela-QuezonCity at Valenzuela-PITX | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
