Ang nangangapital sa John Roll de Guzman Criminal Gang ay naaresto na sa Taguig City.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), naaresto ng kanilang mga tauhan si alias "Angel Acob" o "Panga," ang Number One Top Regional Most Wanted Person makaraang makakuha sila ng tip sa kinaroroonan nito.
(File photo ng pulisya mula sa Taguig City Police)
Isang operasyon ang isinagawa noong Disyembre 28, 2025 ng alas 3:00 ng hapon kung saan naaresto si "Angel Acob" sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Napag-alaman ng mga otoridad na si "Angel Acob" ay financier at miyembro ng John Roll De Guzman Criminal Gang, isang kilabot na criminal group na may kinalaman sa carnapping, illegal drug trafficking, at ilegal na sugalan na nagsasagawa ng operasyon sa nasasakupan ng Southern Police District (SPD).
"The successful operation was led by the Anti-Criminality and Special Operations - Regional Intelligence Division (ACS-RID), NCRPO, under the supervision of Police Major Jonathan Frial, in close coordination with the Rapid Deployment Battalion (RDB), 83rd Special Action Company (SAC), Manila District Intelligence Team (MDIT), RIU-NCR, Warrant and Subpoena Section (WSS), Taguig CPS, Station Intelligence Section (SIS), Taguig CPS, and Sub-Station 9, Taguig CPS," ang pahayag ng NCRPO.
May warrants of arrest ang suspek na ipinalabas ni Judge Miriam Guzon Bien, Presiding Judge ng Taguig Regional Trial Court Branch 153, noon pang Abril 4, 2025, para sa mga sumusunod na kaso:
* Murder, under Article 248, Paragraph 1 of the Revised Penal Code, docketed as Criminal Case No. 9534, with no bail recommended; and
* Attempted Murder, under Article 248, Paragraph 1 of the Revised Penal Code, docketed as Criminal Case No. 9535, with bail set at Php 120,000.00.
Bukod dito, napag-alaman na pangunahing suspek din si "Angel Acob" sa pagpatay sa may C-6 Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City. noong Disyembre 7, 2025.
Ang suspek, kasama ang tatlong iba pa, ay ilang beses na binaril hanggang mamatay ang biktima na hindi na nakapanlaban.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya sa ilalim ng ACS-RID custodial facility ang naturang suspek.
Pinuri ni Police Brig. General Randy Arceo, District Director ng SPD, ang matagumpay na operasyon.
"This successful operation demonstrates our strong commitment to bring fugitives to justice. The Southern Police District will continue to intensify intelligence-driven operations to ensure that those who threaten peace and security will be held accountable under the law," ang pahayag ni Arceo.
Financier ng John Roll de Guzman Criminal Gang at Suspek sa Pagpatay sa Isang Tao sa C6 Road Noong Disyembre 7, 2025, Naaresto na ng Pulisya | Taguig Balita
Language: Switch to English
