Nagtalaga na ng firecracker zones ang Taguig City kung saan lamang maaaring magpaputok at magpailaw ng legal na fireworks ang mga Taguigeño sa pagsalubong sa Bagong Taon.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Government)

"To keep our families safe during this celebration, the City of Taguig is strictly prohibiting the use of firecrackers and pyrotechnics in individual homes and residential areas. This is in accordance with national and local safety regulations (E.O. No. 28, series of 2017)," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa kanilang social media post.

Nagtakda ang Taguig City Government ng firecracker zones sa mga barangay na mayroong bukas na espasyo at may 5 metrong clearance o limang metrong malayo sa mga gusali at establisamyento.

Kailangan ding may naka-stand by na trak ng bumbero, ambulansya at medical personnel. Kailangan ding may nakahandang fire extinguishers at BDRRM response teams.

Narito ang mga firecracker zones sa District 1:

1. Bambang - Open Basketball Court sa Kentucky Street at Mahogany Place 2 Block 3 Lot 2 at 4 San Dimas Street.
2. Hagonoy - Hagonoy Sport Complex (sa labas na Parking Area)
3. Lower Bicutan - Lakeshore Barge (organisadong event, hindi papayagan ang mga indibidwal na magpaputok dito)
4. Napindan - Samama (Dulo) Open Area sa Purok 5 extension Tabing Ilog, at Purok 5 (sa harap ng Jelly Port)
5. New Lower Bicutan - C6 Road malapit sa CDRRM Office
6. San Miguel - Victoria Compound Basketball Court sa St. Michael at Open Basketball Court malapit sa Barangay Hall
7. Tuktukan - JP Rizal St.
8. Wawa - Barangay Road at sa may Guerrero St.

Narito naman ang mga firecracker zones sa District 2:

1. Central Bicutan - Osano Park
2. Central Signal - Zone 8 cor. Ballecer St. sa harap ng Signal Village National High School
3. Fort Bonifacio - 5th Avenue, Bonifacio Global City (organisadong event, hindi papayagan ang mga indibidwal na magpaputok)
4. Katuparan - Open space sa Materials Recovery Facility (MRF), 7th Street
5. Pinagsama - McKinley Hill (organisadong event, hindi papayagan ang mga indibidwal na magpapaputok)
6. South Daang Hari - Lakefront
7. Upper Bicutan - sa harap ng Barangay Hall

Samantala, bawal naman ang magpaputok sa mga sumusunod na barangay dahil walang itinakdang firecracker zones:
* Bagumbayan
* Calzada-Tipas
* Comembo
* Ibayo-Tipas
* Ligid-Tipas
* Palingon
* Pembo
* Rizal
* Sta. Ana
* Ususan
* Cembo
* Maharlika
* North Daang Hari
* North Signal
* Pitogo
* Post Proper Northside
* Post Proper Southside
* South Cembo
* South Signal
* Tanyag
* Western Bicutan
* West Rembo
* East Rembo

Sa ilalim din ng Republic Act No. 7183, ipinagbabawal sa Taguig ang paggawa, pagbebenta at distribusyon at paggamit ng lahat ng firecrackers at pyrotechnics na ilegal, lalo na ang mga sumasabog.

Maaaring mapatawan ng parusa ang mga gagamit o magbebenta ng mga ito.


Kung sakaling magkaroon ng emergency, narito ang maaaring tawagan:

Command Center:
(02) 8789-3200

Taguig PNP
(02) 8642-3582
0998-598-7932

Taguig BFP
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919