Kanselado ang ilang flights sa bansa patungo sa Middle East at pabalik ngayong araw na ito at bukas dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Ang flights ng Philippine Airlines sa Dubai, Doha at Riyadh ang naapektuhan ng kanselasyon makalipas ang airstrikes na inilunsad ng US at Israel sa Iran lalo na at nagsara ang airspace sa United Arab Emirates.
(Larawan ng Taguig.com)
Narito ang mga kanseladong flights ng PAL:
February 28, 2026
• PR684 (Manila - Doha)
• PR655 (Riyadh - Manila)
• PR659 (Dubai - Manila)
March 1, 2026
• PR685 (Doha -Manila)
Inaasahan namang makakalipad pabalik ng Manila ang mga flights na ito:
• PR654 (Manila - Riyadh) dahil hindi na natuloy sa Riyadh.
• PR658 (Manila - Dubai) dahil hindi na natuloy sa Dubai.
Ito ay makaraang paulanan ng missiles ng US at Israel ang Iran at gantihan naman ito ng Iran.
Na-divert pabalik ng Pilipinas ang isang flight ng Cebu Pacific na patungo sana sa Dubai (Flight 5J 14) at nakansela ang Flight 5J 15 na manggagaling naman sa Dubai tungong Manila.
Cancelled na rin ang 2 flights na papunta sa Dubai at pabalik sa Manila sa Marso 1, 2026 (5J 14/15).
Flights sa Middle East, Kanselado Dahil sa Tensyon sa Iran | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
