Magsasama-sama ang mga siklista sa Taguig City sa isasagawang Glow in the Dark Bike Ride bukas, Hunyo 20, 2026, alas 6:00 ng gabi.
(Larawan ng Taguig City Government)
Magsisimula ang pagpadyak bilang selebrasyon ng World Bicycle Day 2026 sa Lakeshore Hall Parking Lot, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Magtatapos naman ito sa Taguig People's Park, Barangay West Rembo, Taguig City.
Sa mga lalahok, i-scan ang QR code o i-click ang link para makapagpa-rehistro:
https://bit.ly/CityOfTaguigWorldBicycleDay2026
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong siklista na lumahok upang maisulong ang isang mas malusog na pamumuhay, aktibo sa pamamagitan ng pagbibisikleta at ang kahalagahan ng kaligtasan sa daan lalo na sa gabi.
Huwag kalimutang dalhin ang
glow-in-the-dark accessories at dekorasyon upang mailawan ang bisikleta, kasama ang safety gear, inumin at iba pang kakailanganin sa pagbibisikleta.
Glow-in-the-Dark Bike Ride, Isasagawa sa Taguig Ngayong Sabado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
