Isang malaking prusisyon ang isasagawa ngayon, Hulyo 25, 2026, ganap na alas 7:00 ng gabi, bilang pagpupugay kay Santa Ana.
Ang parada at magsisimula sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang mga dadaanan ng prusisyon upang hindi maipit sa mabigat na trapiko.
Bukas pa rin ang mga kalsadang dadaanan ng prusisyon subalit masasakop ang isang lane bunga ng prusisyon.
Narito ang ruta ng prusisyon para kay Santa Ana:
• Magsisimula sa Sta. Ana Church
• Liwayway
• Pinagsalubungan
• F. Manalo St.
• Puregold
• A. Mabini St.
• M. L. Quezon Ave. (hanggang Taguig Science High School)
• Guerrero St.
• M.L. Quezon Bambang Bridge
• Babalik sa Sta. Ana Church
Grand Procession Para kay Santa Ana, Isasagawa Ngayong Alas 7:00 ng Gabi, Hulyo 25 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: