Sinuspinde ng Malakanyang ang trabaho sa mga opisina ng Gobyerno na nasa ilalim ng Executive Branch simula ala 1:00 ng hapon bukas, Setyembre 22, 2025.
Ito ay bilang obserbasyon ng ika-33 National Family Week.
(Larawan ng Presidential Communications Office)
Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) No. 96 na ipinalabas noong Biyernes, papasukin pa rin sa umaga ang mga kawani ng National Government subalit half day lamang upang bigyan ng oportunidad ang mga ito na makapagdiwang ng taunang Family Week at ang "Kainang Pamilya Mahalaga" Day.
Ang huling linggo ng Setyembre bawat taon ay idineklarang Family Week sa ilalim ng Proclamation No. 60 (s. 1992), samantalang ang ikaapat na Lunes ng Setyembre ay idineklarang Araw ng "Kainang Pamilya Mahalaga" sa ilalim naman ng Proclamation No. 326 (s. 2012).
"This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family," ang nakasaad sa memorandum circular ba pinirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.
Gayunman, hindi kasali sa half day sa Setyembre 22, ang mga ahensiyang may kinalaman sa pagbibigay ng basic at health services, paghahanda at pagresponde sa mga sakuna at kalamidad at iba pang mahahalagang serbisyo.
Hinikayat ng Malakanyang ang iba pang sektor ng pamahalaan at pribadong opisina na obserbahan din ang
National Family Week.
"The suspension of work in other branches of government, independent commissions or bodies, and private sector is also encouraged, so as to afford all Filipino families the full opportunity to celebrate the 33rd National Family Week," ayon sa Malakanyang.
Nilalayon ng selebrasyon na patibayin pa ang pagkakaisa ng pamilya.
Half Day Sa Setyembre 22, 2025 ang Pasok sa Executive Branch ng Pamahalaan o National Government Agencies Dahil sa Family Week | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
