Hanapin ang 4.25 stickers, banners at standees sa mga tindahan sa Bonifacio Global City (BGC) at sa ibang bahagi ng Taguig City upang makakuha ng malaking diskwento sa produkto ng mga ito.


(Video ni Jayson Pulga)

Ito ang paanyaya ng pamahalaang lungsod ng Taguig kaugnay ng selebrasyon ng ika-437 pagkakatatag ng Taguig bilang isang pueblo o bayan.

News Image #1


Ang mga kalahok na malls, establisamiyento at mga restaurants sa 4.25 sale ay ang Forbes Town, Grace Mall, Market! Market!, Resto.ph restaurants, Serendra, SM Aura, The Moment Group restaurants, Uptown Mall, Venice Grand Canal, at Vistamall Taguig.

Ang big discount sale ay magaganap mula Abril 25 hanggang Abril 30, 2024.