Libreng check-up sa mata, check-up para sa artificial o prosthetic legs at pamamahagi ng tungkod ang isasagawa sa Health Caravan sa Barangay Pinagsama, Taguig City ngayong Sabado, Hulyo 11, 2026, ng alas dos ng hapon.

Sa pagtutulungan ng Rotary Club of McKinley-Makati at ni Barangay Captain Vhyc Mortel, bibigyan ng tulong pangkalusugan ang mga residente ng Barangay Pinagsama sa EP Housing Phase 1 Covered Court.

News Image #1

(Art card ng Barangay Pinagsama)

Kailangan lamang magdala ng balidong government ID na may address sa Barangay Pinagsama ang mga magpapa-check-up o manghihingi ng tungkod.

Kung menor de edad, kailangang magdala ng school ID o ang ID ng magulang o tagabantay na residente ng Barangay Pinagsama na makakasama ng batang magpapatingin.

Kung kailangan ng assistance, hanapin lamang si Matet Junas, ang staff ng Chairwoman.