Mahigit ₱358,000 na hinihinalang ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska sa isang matagal nang tinutugaygayang suspek sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Police)

Sa isang buy-bust operation ng Taguig City Police Station sa residential building sa Barangay Western Bicutan noong Hunyo 4, 2026, naaresto si alyas Marlon, 48 taong gulang.

Labindalawang heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang humigit-kumulang sa 52.7 gramo ng hinihinalang shabu, kasama ang isang sachet na tinangkang ibenta ss nagpanggap na buyer, ang nakumpiska sa suspek.

Ang suspek na nahahaeap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay nasa Taguig City Police Station Custodial Facility.