Limang eskwelahan sa Taguig ang pilot sites para sa itinayong HOPE (Helping Each Other find Peace and Encouragement) Centers upang matulungan ang kalusugang pangkaisipan ng mga estudyante.

News Image #1


Kabilang sa mga eskwelahang may HOPE Centers ay ang Upper Bicutan National High School, Taguig Science High School, Sen. Renato "Compañero" Cayetano Science and Technology Memorial High School, Makati Science High School, at Bagumbayan National High School.

News Image #2


Pinasinayaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang HOPE Center sa Upper Bicutan National High School noong Oktubre 8, 2025 kasabay ng obserbasyon ng Mental Health Week at ng ika-100 araw ng panunungkulan ng alkalde para sa kanyang ikalawang termino.

News Image #3


Ang HOPE Centers ay isang ligtas na espasyo kung saan maaaring magmuni-muni, makipag-usap sa isa't isa at matuto sa isa't isa ang mga estudyante. Layunin nitong patibayin ang mga kabataan sa harap ng mga hamon sa buhay.

"Tatanggalin natin 'yung wall ng pag-aatubili o hiya. Kasi kapag tayo ay nag-aatubili o nahihiya o naiilang tayo sa pagproseso at pagsha-share ng ating feelings, tumaataas at tumaataas hanggang sa 'di mo na kaya. Ayaw natin na kahit may isang bata na makakaramdam noon. Ayaw natin may bata na makakaramdam na hopeless or helpless siya, kasi dito sa lungsod ng Taguig, mahalaga ang bawat bata," ang pahayag ni Cayetano.

News Image #4


"The extent of the pandemic's impact on the mental health of our youth became clear after it ended. Consequently, there is a need to collectively address this. Notably, Mayor Lani Cayetano acted ahead of time, nauna pa po ang pag-respond ni Mayor Lani, by creating the Taguig CARES program. Even before the passage of the Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act in December 2024, the city had already inaugurated its first HOPE Center in July 2018," ang pahayag naman ni Atty. Chona Gonzales, pinuno ng Taguig CARES.