Mawawalan pansamantala ng kuryente sa ilang lugar sa Bonifacio Global City (BGC), Barangay Fort Bonifacio, Taguig City mamayang madaling araw ng Hunyo 4, 2025 hanggang umaga ng araw na ito.

News Image #1

(Larawan ni Vera Victoria)

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), magsasagawa sila ng pagmamantina ng kanilang pasilidad sa pamamahagi ng kuryente sa Barangay Fort Bonifacio mula alas 12:01 hanggang alas 12:30 ng madaling araw at alas 4:30 hanggang alas 5:00 ng umaga na makakaapekto sa mga sumusunod na lugar:

* Forum South Global sa may 7th Avenue
* ICON Plaza, Twenty-five Seven McKinley, RCBC Corporate Center at ICON Showroom sa may 25th Street
* Twenty-four Seven McKinley at Seibu Tower sa may 24th Street
* Sun Life Financial at Fort Victoria sa may 5th Avenue
* Embassy of the Republic of Singapore sa may Rizal Drive

Mula naman alas 12:01 ng madaling araw ng Hunyo 4, hanggang alas 5:00 ng umaga, ang maaapektuhan naman ay ang One Global Place sa may 25th Street.

Ang apektado ay ang bahagi ng CIRCUIT FBGC-4 425RJ sa BGC.