Bumisita ang delegasyon ng Indian Coast Guard (ICG) sa Coast Guard K9 Force na nasa Coast Guard Base Taguig, New Lower Bicutan, Taguig City, noong Marso 26, 2024.

News Image #1


Ang pagbisita ng ICG sa pamumuno ni Commandant (Captain) Dheeraj Mishra ng ICGS Samudra Paheredar ay naglalayong talakayin ang kooperasyong pangkaragatan.

News Image #2


Nais ng dalawang Coast Guards na palakasin ang kakayahan ng mga tauhan nito sa pamamagitan ng pagsasanay sa larangan ng maritime security at pagpapatupad ng batas lalo na sa paggamit ng K9 Detection Dogs.

Nagsagawa ang CGK9 Force ng demonstrasyon kung paano kumikilos at nagta-trabaho ang kanilang mga K9 Working Dogs sa larangan ng Explosive and Narcotics Detection.

(Larawan mula sa Coast Guard K9 Force)