Naapula agad ang sunog sa isang residential area sa M. Pascual St. Barangay Calzada-Tipas kaninang hapon, Hunyo 11, 2026

Dagliang rumesponde ang Calzada Fire Brigade, Bureau of Fire Prevention-Taguig at ang mga fire and rescue teams ng mga kalapit-barangay sa Taguig City.

Isang bahay ang nasunog at wala namang nasaktan sa pangyayari.

Inaalam pa ang dahilan ng naturang sunog.

"Paalala po sa ating lahat na laging mag-ingat upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari. Tayo rin po ay patuloy na magdasal para sa kaligtasan ng bawat pamilya sa ating komunidad," ang pahayag ng Barangay Calzada-Tipas sa kanilang social media page.

(Mga larawan ng Barangay Calzada-Tipas)