Madadagdagan pa ang isinasaayos na mga pampublikong paaralan sa Taguig City.

News Image #1

(larawan ng Taguig City Government)

Nilagdaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang Supplementary Memorandum of Agreement kasama ang Department of Education (DepEd) na palalawakin ang bilang mga isasaayos na mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay karagdagan sa mga proyektong nasa ilalim ng naunang nilagdaang Memorandum of Agreement na nilagdaan noong nakaraang Pebrero.

"On behalf of DepEd Taguig family, we thank the Department of Education for supporting the improvements and rehabilitation of our school buildings. Special mention to Usec. Peter Corvera and Asec. AP Bartolome for facilitating the MOA signing," ang pahayag ng alkalde sa kanyang social media page.