Isang job fair ang isasagawa sa barangay hall ng Barangay Central Bicutan bukas, Abril 29, 2024 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Ang mga trabahong naghihintay sa mga aplikante ay ang sumusunod:
SM SUPERMARKET - Makati
• Company Nurse
• Accounting Assistant
• Cashiers
• Bagger Clerk
• Customer Assistant
FIELD MEN
• Gardener
• Janitor / Janitress
• Office / Admin Assistant
• Accounting / Billing Staff
• Service Crew
• Car Park Cashier
JOLLY MANAGEMENT
• Office Staff
• Encoder
• Accounting Staff
• BookKeeper
• WareHouse men
• Room Attendant
• Receiving Clerk
POLYSTAR
• Service Crew
• House Keeping Staff
• Cook
• Dishwasher
• Admin Assistant
• Receptionist
• Gardener
SERVICE SOLUTIONS
• Sales Associates
• Accounting Staff
• WareHouse Staff
• Driver
• Encoders
SUZUKI AUTO
• Sales Executive
• Technician
• Car Jockey
• Cashier
LTC MULTI SERVICES
• Merchandiser
SM SAVEMORE - Acacia
• Clerk
• Cashier
• Bagger
SM HYPER MARKET - FTI
• Customer Assistant
• Cashier
• Bagger
Kailangang magdala ng resume, ballpen at magsuot ng kasuotang pang-apply sa trabaho.
Ang job fair ay bahagi ng selebrasyon ng piyesta ni St. Joseph the Worker.
Sa Abril 30 naman ay isasagawa ang Taguig Love Caravan o libreng medical and dental services sa harap ng Saint Joseph the Worker Chapel (SJWC) mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.
Kinagabihan naman ng alas 6:00 ay may Misa sa SJWC sa pangunguna ni Reverend Mylp Hubert Vergara.
Ganap na alas 8:00 ng gabi ay isasagawa ang koronasyon ng Lolo at Lolo ng San Jose Manggagawa.
Ang mismong kapistahan ni San Jose ay sa Mayo uno kung saan magkakaroon ng prusisyon ganap na alas 6:30 ng umaga at Misa ng alas 9:00 ng umaga. Isa namang palaro para sa mga bata ang isasagawa ng ala 1:00 ng hapon.
(Mga art card mula sa Barangay Central Bicutan)
Job Fair at Iba Pang Aktibidad sa Piyesta ni San Jose sa Barangay Central Bicutan | Taguig Balita
Language: Switch to English