(larawan ng Taguig.com)
Sa isinagawang press conference ni Kursh sa Taguig City, pinuri niya ang katapangan at kabutihan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Hindi aniya siya halos makapaniwala na ang isa sa mga nasawi noong Oktubre 7, 2023 sa Kibbutz Kfar Aza na si Angelyn Aguirre at ang nasawi sa Tel Aviv noong Marso 1, 2026 na si Mary Anne Velazquez De Vera ay parehong taga-Pangasinan.
Ang dalawang nasawing Pilipina, kabilang ang 2 pang caregivers at 1 nurse na nasawi naman sa kamay ng Hamas, ay pare-parehong gumaganap ng kanilang tungkulin nang mapaslang ang mga ito.
Tinatayang 30,000 Pilipino ang naninirahan ngayon sa Israel.
