Ang Kadiwa ng Pangulo ay dadayo sa Taguig City Hall Employees' Park, Barangay Tuktukan ngayong Biyernes, Mayo 29, 2026.

Mabibili ang mga murang bigas, prutas, gulay, karne at mga leather products, beauty items and pet soaps mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

News Image #1


Ang bigas ay ibebenta sa mga Taguigeñong kabilang sa 4Ps, solo parents, Persons with Disabilities, TODA, at Senior Citizens sa halagang ₱20.00 kada kilo.

Kailangan lamang na may maipapakitang balidong ID ng pagiging kasapi ng mga naturang sektor.

Magdala rin ng sariling eco-bag para sa mga bibilhin.