Ang kandidata ng Barangay Pinagsama ang nagwagi sa Gandang Mamita 2025, nanguna sa 32 iba pang kandidata sa mga barangay ng Taguig City.
Si Evelyn L. Alvior ng Barangay Pinagsama ay kinoronahan bilang pinakamadaganda at pinakamahusay na Mamita noong OKtubre 9, 2025 sa Taguig Convention Center, sa New Taguig City Hall, Cayerano Boulevard, Barangay Ususan, Taguig City.
Sa question and answer ng patimpalak, tinanong si Alvior kung ano ang kanyang gagawin para ang mga senior citizens na nalulungkot at ang pakiramdam ay nakalimutan na, ay maramdaman nilang mahalaga pa rin sila at kabilang sa komunidad.
Narito ang kanyang sagot:
"We have a women's group in our village, mostly women and senior citizens, we created our own zumba group. We enjoined lonely, widows, senior citizens to join us to promote wellness, to contribute to our barangays, to our community, to our village. I told them 'Go out and join us!' to not just do household chores, do not just do caring for your apos-Join us and care for yourself, be happy, and make your life better! Do not limit your age and wear our badge as senior citizens as we age gracefully."
Bukod sa korona at titulo bilang Gandang Mamita 2025, nakatanggap din si Alvior ng P50,000 na cash, sash, tropeo at bouquet ng bulaklak.
Nagwagi naman bilang 1st Runner-up si Imelda A. Martinez ng Barangay East Rembo at nakatanggap ng P40,000 na cash bukod sa korona, sash at tropeo.
Second runner-up naman si Trinidad Lariosa Emphasis ng Barangay Post Proper Northside na nagwagi ng P35, 000 bukod rin sa korona, sash at tropeo.
Third runner-up si Caridad J. Aguilar ng Barangay Western Bicutan na nakatanggap naman ng P30,000 cash at korona, tropeo at sash.
Fourth runner-up si Mindalfor E. Bernal ng Barangay Calzada-Tipas na nakatanggap naman ng P25,000 bukod sa korona, sash at tropeo.
Fifth runner-up si Rowena Macandog Rivera ng Barangay Comembo na nakatanggap ng P20,000 at korona, sash at tropeo.
Kinilala naman para sa special awards ang mga sumusunod:
Best in Talent:
Kampeon: Maria Luzminda Fernandez ng Barangay Fort Bonifacio
1st Runner-Up: Marilyn Rarang Engay ng Barangay South Daanghari
2nd Runner-Up: Marina Hipolito ng Barangay New Lower Bicutan
Best in Creative Costume: Rowena Macandog Rivera ng Barangay Comembo
Best in Casual Wear: Trinidad Lariosa Emphasis ng Barangay Post Proper Northside
Best in Long Gown: Rowena Macandog Rivera ng Barangay Comembo
Best in Production Number: Helen D. Reyes ng Barangay Tanyag
Miss Congeniality: Marina Manalo Dacanay ng Barangay Pembo
People's Choice Award: Evelyn L. Alvior ng Barangay Pinagsama
Most Photogenic: Marilou Furo Furio ng Barangay Ususan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kahulugan ng pagiging Gandang Mamita.
"Ganito ang ating mga mamita: Matatag sa bawat pagsubok, ginagawang inspirasyon ang bawat apoy ng kanilang hinaharap para sa kanilang pamilya at komunidad. Habang pinapamalas nila ang kanilang talento, ganda, at kaisipan, tandaan natin ang korona ay hindi ginto kundi ang puso na marunong magmahal at magbigay ng liwanag."
Isang farewell walk ang ginawa ni Dolores "Didi" Provost, ang Gandang Mamita 2024, kung saan pinasalamatan niya ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pagsuporta sa kanyang mga adbokasiya.
(Mga larawan ng Barangay Pinagsama)
Kandidata ng Barangay Pinagsama, Evelyn Alvior, Itinanghal na Gandang Mamita 2025 | Taguig Balita
Language: Switch to English
