Nanumpa bilang bagong Liga ng mga Barangay President si Konsehala Marie Marcelino ng Barangay Ususan, Taguig City noong Hulyo 4, 2025.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang panunumpa ni Marcelino, kasabay rin ng panunumpa ng mga bagong kapitan ng barangay na sina Kapitan Michael Arcilla ng Barangay Pembo, Kapitan Allan Cruz ng Barangay Rizal, Kapitan Lysandre Vertulfo ng Barangay Fort Bonifacio at Kapitan Ricardo Jordan ng Barangay North Signal.
Dumalo rin sa panunumpa sina Taguig City Vice Mayor Arvin Alit, Congressman Ricardo "Ading" Cruz, Jr., Congressman Jorge Daniel Bocobo, Interior and Local Government Director Gemma Demdam Dancil at Barangay Affairs OFfice Head Evelyn Tan Arago.
Si Marcelino ay dating bise presidente ng Liga ng mga Barangay kung saan ang dating presidente ay si Bocobo.
"Hangad ko ang inyong lakas at katapatan sa panahon ng inyong paglilingkod sa inyong barangay at sa Lungsod Taguig. Kasama sina Vice Mayor Arvin Alit, Cong. Ading Cruz, Cong. Jorge Bocobo at buong city council, kami ay nakasuporta sa inyong mga adbokasiya't inisyatibang maghahatid ng transformative, lively, at caring programs para sa bawat Taguigeño," ang post ni Cayetano sa kanyang social media page.
"Mixed emotions po ang aming pare parehong naramdaman kanina habang nanunumpa ngunit nangingibabaw ang pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa biyaya na mas makapag-lingkod at makapag bahagi ng aming talino at kakayahan sa mga mamamayan ng Taguig tungo sa Transformative Lively and Caring City sa gawa hindi salita," ang post naman ni Marcelino sa kanyang social media page.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Kapitana ng Barangay Ususan, Bagong Liga ng mga Barangay President; Nanumpa Kasama Niya ang Apat na Bagong Kapitan ng Barangay ng Taguig | Taguig Balita
Language: Switch to English
