Magsasagawa ng Kasalang Bayan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Hunyo 26, 2026 sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
(Larawan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)
Ang aplikasyon ay kailangang gawin ng mga interesado sa libreng pagpapakasal bago ang Hunyo 16, 2026.
Limampung pares lamang ang mabibigyan ng pagkakaraong maikasal sa Kasalang Bayan sa Hunyo 26.
Ang mga hindi makakasama sa batch na ito ay isasali sa susunod na Kasalang Bayan.
Ang mga nagsasama ng limang sunod na taon at higit pa ay hindi na kakailanganing kumuha pa ng Marriage License bago magpakasal, batay sa Article 34 ng Family Code.
Tanging ang mga hindi nagsasama ng 5 sunod na taon ang kailangang mag-apply pa ng Marriage License bago ikasal.
Mayroon ding kinakailangang 10 araw na posting period bago mabibigyan ng lisensya.
Para sa aplikasyon sa Kasalang Bayan, maaaring puntahan ang link na ito:: https://www.facebook.com/share/16kRndrfqL/?mibextid=wwXIfr
Kasalang Bayan sa Taguig, Isasagawa sa Hunyo 26, 2026 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
