Naghahanap ng opisyal na kinatawan ang Barangay Central Signal Village para sa nalalapit na
Taguig River Festival.

Ito ay para sa isasagawang Sing It! Inter Barangay Singing Competition.

Ang mga kategorya ay pang kids o teens mula 5 hanggang 17 taong gulang at adults na mula 18 taong gulang pataas. Maaaring solo, dup o trio ang lalahok.

Kailangan lamang na aktibo at rehistradong botante ng Barangay Central Signal Village, Taguig ang mga nasa adults category, ar sa kids o teens, may magulang o tagabantay na residente at rehistradong botante ng Barangay Central Signal.

Magdala lamang ng sumusunod:

• Kids/Teens
1. Barangay-issued ID of parent/guardian
2. Birth Certificate of minor
3. Barangay Certification
4. Voter's Certificate of the parent release in the year 2026

• Adults
1. Barangay Certification
2. Valid ID indicating Central Signal Address
3. Voter's Certificate of the parent release in the year 2026

Ang mga magwawagi sa mismong finals ng patimpalak ay may premyong:
• Adult Category
1st Place: 30,000.00
2nd Place: 20,000.00
3rd Place: 10,000.00
Consolation: 5,000.00

• Kids/Teens Category
1st Place: 20,000.00
2nd Place: 10,000.00
3rd Place: 5,000.00
Consolation: 2,500.00

Kabilang sa pagbabatayan ang sumusunod:

• Vocal Quality (tone, pitch, clarity) - 40%
• Song Interpretation (emotion, dynamics) -30%
• Stage Presence and Confidence - 20%
• Audience Impact - 10%

Magmensahe lamang sa Facebook Page ng Barangay Central Signal (https://www.facebook.com/KapJJD/) at magpadala ng ang sample video.

(Art card ng Barangsy Central Signal)